Friday, March 6, 2009

Isang panunuri sa "Gambala" (CASA Reel film)

Ang "Gambala" ay isang "amateur film" na ginawa ng grupo ni Jon de Chavez at Pinky Corral ng 4th year Communication Arts ng University of Santo Tomas. Ito ay isang "horror/suspense" na pelikula na tungkol sa isang batang babae na gumagambala sa isang dalagang babaeng nag-ngangalang Bianca. Para sa akin ang istorya nito ay medyo madaling i-predikta. Nahulaan ko na kagad na ang batang nang-gagambala ay ang batang dating ipina-laglag ni Bianca noong sya ay nasa kolehiyo pa lamang.
Hindi din masyado maganda ang pagkaka-gawa ng pelikula dahil madaming eksena nito ay sobrang madilim, hindi mo na makikita ang aktres na umaarte. Wala din ito gaanong "script" kaya hindi naging malalim ang takbo ng istorya at hindi masyadong makikilala ang karakter ni Bianca. Pero dahil ito ay isa lamang na "amateur film", ito ay pwede na rin. Maganda naman ang pagkaka-eydit nito, at mahusay naman ang aktres na gumanap sa pelikula.

Isang Panunuri sa "Ploning"

Ang "Ploning" ay isang romantikong pelikula na binase sa isang Cuyonon na kanta na ganoon din ang pamagat. Ang istorya ng Ploning ay nagsimula sa pagpapakita ng isang dagat sa isla ng Cuyo sa Palawan, habang pinapatugtog ang kantang "Ploning". Ako ay nabighani sa kagandahan ng eksenang iyon, dahil kuhang kuha nito ang "soft side" ng mga Pilipino. Sa eksena pa lang na iyon ay naisip ko na agad na maganda ang kalidad ng pelikula. Maganda ang istorya ng Ploning, ito ay umiikot sa isang babaeng nag-ngangalang Ploning, na kahit may edad na, ay mas piniling huwag na lang magpa-kasal dahil kanyang kabiguan sa isang dating pag-ibig. Para sa akin, taglay ng karakter ni Judy Ann Santos (bilang Ploning) ang mga tipikal na katangian ng isang maka-lumang Pilipina, matulungin sa pamilya at mapag-mahal sa iba.
Namangha din ako sa produksyon ng pelikula dahil ipinakita nila ang isa sa mga napaka-dami at napaka-gandang kultura ng mga Pilipino, ang kultura ng mga taga-Cuyon. Nakuha nito ang aking interes dahil hindi naman ako masyadong pamiliar sa mga kultura ng mga malalayong isla ng Pilipinas. Namangha din ako dahil kahit ito ay isang "independent film" ay napaka-ganda ng kinalalabasan nito, hindi maiisip ng mga manonood na limitado lang ang badget ng pelikulang ito.
At para naman sa pag-arte ng mga aktor at aktres, saludo ako sa kanila dahil nabigyan nila ng hustisya ang istorya ng pelikula. Mahirap mag-kabisado ng ibang wikain at bigyan ito ng "feelings", pero ito ay nagawa nila ng mahusay. Bilib ako kay Judy Ann Santos dahil napaka-galing ng pagdadala nya sa pelikulang ito.

Larawan

Larawan ang salita na kagad kong naisip na maging pamagat ng aking “blog”. Maraming dahilan kung bakit ito ang napili ko. Una, ito ay isang importanteng bagay para sa akin dahil madalas, ditto ko naipapahayag ang aking sarili. Mahilig ako kumuha ng litrato kahit saan man ako magpunta, kapag ,masaya ako o kahit malungkot man. Para sa akin, ang larawan ay katulad ng “blog” o “journal” dahil dito mo makikita ang mga emosyon na nararamdaman ng taong nag mamay-ari nito. Sa larawam ko din nakikita ang mga alaala ng mga bagay na wala na sa akin sa kasalukuyan. Sa katunayan, ang ipinangalan ko sa aking aso ay “Shashi” na isang pangalang Hapon na nangangahulugang “picture” o larawan, dahil sya ang nagsisilbing larawan ng kasiyahan at unkondisyonal na pagmamahal.